Sunday, July 14, 2013

RETURN OF U.S. FORCES TO SUBIC WW II Guerrilla





<.FILIPINO RESISTANCE FIGHTERS CURRENCY

Japan seized the Philippines in World War II.  But before General Douglas MacArthur, the Liberator of the Philippines, left the islands for Australia, he split his command among officers who stayed behind, hoping to grow resistance groups.  Filipino resistance fighters produced  "Guerrilla Notes" to finance their cause.  The crude emergency money was often produced using wooden blocks, vegetable dye and scrap paper because there were no printing presses and very little paper or ink.  The money was eagerly accepted because it symbolized the resistance.  Anyone caught by the Japanese with Guerrilla Notes faced torture or death.  General MacArthur promised he would return to the Philippines in March 1942 and by October 1944, thanks to the efforts of the resistance fighters, he made good on his pledge.


7/14/13  lib's labyrinth
_______________________________________________________


@lagrimas

Thank you for your e-mail.  Your opinion is very important and everything that you wrote should be considered.  I don't really know exactly what kind of military base it will be.  In fact, some extremist Americans are telling the U.S. Government to close all military bases all over the world to save money and be done with wasteful expenses.  Of course, such crazy idea would never come to fruition because of these reasons: America, as the number 1 superpower, has a responsibility to protect the rest of the free world as well its own from terrorists and evildoers; if they close the military bases and bring home the soldiers, what would the current administration do to provide jobs for them when they return to private life?  The U.S. economy is stagnant and in recession (yes, it is!).  The current job unemployment is 9.1%.  There are no jobs.

Fortunately, the people of the Philippines are surviving because of close family ties -- they have relatives working for a living in other countries and they send their remittances to help and support them.  I think the Philippines is far luckier than the people of Africa (Somalia, Uganda, Libya, Egypt) and other third-world countries.  I was in Egypt last year and found out the Philippines is better looking, economically, socially and environmentally.  Historically, it's good they have the Pyramids, Sphinx and King Tut.

Anyway, things are hard to tell the way things are going in many parts of the world.  Being an individualistic and independent person I educate myself with what's good for me and just live within my means in order to survive.  Goodbye cruel world and let me be.

Ate Lib


00399306.jpg




To: Lib
Subject: RE: FR: RETURN OF U.S. FORCES TO SUBIC
From: lagrimasb
Date: Thu, 18 Aug 2011 00:49:36 -0400

Dear Ate Lib

Panig ako sa iyong pagnanais na muling mabalik ang US bases sa Pinas. Unang-una, proteksiyon sa mga manlilinlang at mga ganid na bansang may pagnanasa sa kalahatan man o partes ng yaman ng ating bansa. Pangalawa, ang mahihirap nating mga kababayan ay muling magkakaroon ng pag-asang muling makakain ng tatlong beses sa isang araw, mula sa mga dolares na ibabahagi ng US, maging ito man ay manggagaling sa kanilang gobyerno o manggaling sa mga trabahong ihahain o isasagawa ng mga sundalong ito kung sila ay nasa ating bansa na.

So what, kung muling magkaroon ng mga bars o pang-aliw na establisimiyento sa Pinas!! Mayroon naman nang mga ganitong lugar sa buong mundo. Nasasa-tao naman ang ikasasama o ikabubuti nila. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat diyan sa Pinas, na kahit na wala nang base militar diyan sa Pinas, patuloy pa rin ang mga pang-aliwang lugar diyan sa Pinas, na kung ikukumpara ang kikitain ng mga nagtatrabaho sa mga lugar na iyan, ay hindi nakakatulong sa mga kababayan natin. At walang nagawa maging iyong mga alagad ng Diyos o simbahan, na isa sa mga naging malakas na sandigan ng pagkawala ng US base sa Pinas. Tapos naman nito hindi sila nakatulong o nakagawa ng resolusyonan sa paghihirap ng bansa.

Maliit lang ang ating bansa, na maituturing pang isa sa mga nagdadanas ng kahirapan. Sa ngayon nasasa-awa na lang ng US na piliin ang ating bansa para i-base muli ang kanilang forces dito. Maging praktical tayo, ika nga!!  Huwag nating pairalin ang ating tinatawag na "pride" dahil hindi nito mabibigyan ng laman ang ating  mga sikmura. Hindi natin kailangan na maging mapagmalaki at magmayabang sa mga bagay na wala naman tayo. Ang ganitong pag-uugali at crab mentality ang naging dahilan upang magdanas ng hirap ang ating mga kababayan nag puwersahin nating paalisin ang US base noong panahong sana ay namumuhay naman tayo ng maayos. HIndi mayaman noon ang Pinas, pero kahit papaano, nakakakain ang mga hirap nating kababayan ng tatlong beses isang araw.

Iyong mga nagsasabing ayaw nilang matawag na "puppets" ng US, pinatatawa nila ako, at marahil hindi lang ako. Lahat ng ugaling kano: traditiong isineselebra (tulad ng Halloween na noon ay wala naman tayo), awit at sayaw, mga kasuutan,pangugusap, at mga kilos, iyon ang nakikita ng lahat ng nasa Pinas ngayon. Maging sa mga pelikula at mga artistang kano at ingles, iyon ang mas tinatangkilik na ng mga kababayan natin. Kulang na lang yata, ay halikan nila pati mga talampakan ng mga banyagang artista o mga mang-aawit na ito. Nawala na ang sarling atin, ang tunay na tradisyong pambansa. Makakita man tayo ng mga pansarili nating tradition ay sa mga espesyal na okasyon na lang. Para bang ikinahihiya ng mga bagong generation ng ating bansa ang tunay na talagang atin kaya ayon sa mga ibang bansa, wala tayong original identity, na ang lahat ay ginagaya o hinahango natin sa ibang lahi.

Hindi rin panahon ngayon na isipin natin ang magiging damdamin ng mga ibang Asean Countries na nakapaligid sa atin. Kung mag-reaksyon sila sa pagbabalik ng US base sa Pinas, patunay lang na may naiiba silang balak na magiging pabor na pansarili at sa ikabubuti lalo ng sarili nilang bansa.

Kailangan tayo ay maging optimistic at hindi pessimistic na ang pangit na kahihinatnan lang ng ating hinaharap ang ating iisipin.  And dapat na ipanatili sa ating mga puso ay pag-asa, pananalig, at pag-asam; hindi pagkatakot!!!

Ito lang po ang nais kong ilabas dito sa aking puso't isipan. Maraming salamat po. Sana po talaga matupad ang ating hangarin, nang sa ganoon, makaranas namang "makahigop ng mainit na sabaw ang mga gutom nating mga kababayan".



-->

Published 8/18/11  ALT Group Multiply
Web Page: Philippines

No comments:

Post a Comment