Tuesday, March 29, 2011

Ako'y Isang Tomasino

Quadricentennial Song by Gerardo M. de Leon Ako'y Isang Tomasino (I'm One Thomasian) Nalagpasan mo ang mga pagsubok Di mabilang na mga bagyo Kahit ilang baha man ang danasin Kasaysayan mo'y hindi kayang anurin Ang 'yong sahig, dingding, mga pintuan Saksi sa 'yong dakilang nakaraan Tinamnan ng tama puso't isipan Mga bayaning sa silong mo ay nanahan Chorus: Nag-iisa ka lang Pinagpalang Pamantasan Apat na siglo nang Nagtuturo sa kabataan Pagmamahal sa Diyos, Karunungang may dangal Ako'y nagagalak matawag na Isang Tomasino! Ang ngalan mo'y hindi nadudungisan Ilan mang siglo pa ang nagdaan Dahil ang Diyos ika'y iniingatan Tunay kang binasbasang paaralan Repeat Chorus: Nagsisilbi sa kapwa Naglilingkod sa bayan Nagmamahal sa Diyos May karunungan, may dangal Ako'y nagagalak Ako'y isang Tomasino!

No comments:

Post a Comment